Ang lolo kong Groovy. Yan ang lolo kong bagets. Lolo Cool. Sweet kong lolo. Ang lolo kong naghhumming sa bawat oras kahit na sa pagkain. Yan ang mga bagay na masasabe ko pra idescribe si Lolo Milio. Minsan nga pag nagkkwentuhan kasama ng aking mga kaibigan lage ko nabibida ang lolo ko na 90 years old na naakyat pa sa puno ng mangga para mamitas at nagfafarming pa sa likod ng bahay na may alagang pang pato, manok, aso at kambing. One time sinama ko siya sa Mall of Asia para ipasyal. Naikot namin lahat in 2 hours, ako yung pagod na siya go na go pa din at kaya pa din pumose sa pictures. Kapag dinadalaw ko siya noon every Saturday para pagupitan, super excited yan at aabangan ang pagdating ko. At lage niya ginagawa before ako umuwi ay pababaonan ako ng itlog na galing sa mga alaga nia sa likod bahay. Minsan naman pag hindi schedule ng gupit nia tatawag yan samin para magpadala ng pakain sa mga manok. Hilig din niya na kumain ng lechon manok galing sa GS Pagtakhan, ice cream na puti (referring sa kahit na anong flavor as long as color white yan) and cake na puti. Naalala ko pa ng mga huling punta ko pa sa Malagasang bago siya isugod sa ospital ay nagkkwentuhan pa kame kasama ang mga ibang apo kung pano nia niligawan at napasakanya ang lola ko. Sinasabi nia noon na dinukot nia ang lola ko at dinala sa my kanluran at dun tinago dahil may ibang lalaki na nagnanasa pakasalan ang lola ko. May mga tuksuhan, kilig moments ng mga oras na yun. Ngunit pag naalala ko ang oras na yun naiisip ko na di na pwedeng maulit ang ganung pangyayari. Mahal na mahal ng lolo ko ang lola ko. Siya ang lage umaalalay dito. Lalo na sa panahon ngayon na hirap na itong maglakad at kailangang naka-walker. Siya ang taga akay ni lola, taga tapon ng laman ng arinola, taga dala kay lola sa kasilyas. Siya ang nagsisilbi sa lola ko sa lahat ng oras. Hindi matatawaran ang pinakitang malasakit at wagas na pagibig ni lolo para kay lola. Lalo na ng huling mga sandali nia sa ospital. Noong kame ay naka-confine pa sa Our Lady of Pillar, gabi- gabi kada my uuwi samin ipapaalala nia na uwian si lola ng tinapay o mamon sa goldilocks at bilhan ng saging. Kumuha daw sa wallet niya (na ang laman ng oras na yun ay Php300). Tuwing may dadalaw sa kanya at may dadalhin na pagkain pagdating ng gabi ipapauwi na nia un ky lola at ipagbbilin na sabihin na maayos na siya at uuwi na siya. Meron pa nga siyang voice record na sinasabihan niya si lola kung gano nia kamahal ito. Isa ding huwarang ama si lolo pra sa tatlong anak niyang lalaki. May katangian nga si lolo na masyadong emosyonal lalo na sa anak niyang mga nasa ibang bansa. Katulad nalang ni Kuya Ross na pangalawa sa mga anak niya. Nasaksihan ko ang pagtulo ng luha ni lolo pag nagcchat si Kuya Ross at nkikita sa Webcam. Lage din niya naalala ito kung nakakain na ba ito ng tanghalian o hapunan. Sabi din nila, si lolo ang nagalaga sa kanyang mga anak ng mga bata pa ito. Lalo na kapag merong may sakit sa kanila kaya malalapit ang mga anak niyang lalaki sa kanya. Meron din akong alaala ni lolo ng biniro ko siya noon kung may anting anting siya dahil sa edad niyang 90years old ay para lang siyang 70. Ang sagot lang nia sakin, “Wala, masama daw un sabe ni God.” Na aking kinabigla at di inaasahan ang sagot nia. Dun ko napatunayan na napakabuti ni God at binigyan nia ng kalakasan ang lolo ko sa kabila ng mga matatandang paniniwala sa anting anting. Noong birthday niya ng isang taon naalala ko pa ang birthday wish daw nia ay umabot pa siya ng 120 years old dahil wala siyang nararamdamang panghihina sa katawan at malinaw siyang nakakabasa ng mga letra. Ngunit siguro ang ibinigay lang talaga nang dios ay hanggang 90 years old nalang. Malaking pasasalamat ko at nang aking buong pamilya sa panginoon sa pagpapahiram niya kay lolo ng mahaba at malakas na pangangatawan. Nais din naming magpasalamat sa mga taong dumamay samin noong si lolo ay naospital sa Our Lady of Pillar. Sa mga nurse at doctor na nagalaga sa aking lolo. Kay Dr. Francis Ilano maraming salamat po doktor sa inabot mong pagtulong sa aming pamilya. Sa nurse station sa 4th floor, kayna Lesli, Serj, Anne, at sa ibang di kona nabanggit. Maraming maraming salamat. Sa mga bawang girls na araw araw na nagluluto para sa aming pamilya at naglalamay habang nakaburol si lolo. Salamat sa masasarap na putahi na inihanda nio para samin at sa mga nkikiramay smin. The best daw ang Fidiyos (sotanghon) at sopas niyo. Sa mga tumulong gabi- gabi sa pagaahin sa mga bisita kay na regine, ate ching, ate feny at sa iba pang taga malagasang 1st. Di ko po makakalimutan ang walang sawa niyong pagalalay samin. Sa mga nakiramay sa aming pamilya, sa mga politikong humanap pa ng oras para lang makapunta sa amin sa kabila ng mahigpit na schedule nila. Sa mga kamaganak namin sa Amerika na nagpaabot ng tulong at dalumhati sa aming pamilya. Sa mga kaibigan ng bawat miyembro ng pamilya. Salamat ng marami at malaking tulong na nakita at nakasama namin kayong lahat sa malaking pagsubok na aming pinagdaanan. Para kay lolo, alam ko ng nagkita tayo sa panaginip ng 91st birthday mo sabi mo skin wag na ako magalala at maayos kana dyan. Nakita ko noon ang mukha mong walang bakas ng paghihirap. Lolo nilelet go na kita. Tanggap kona ang nangyari at wala akong pinagsisisihan na kasi alam ko bilang apo mo nagawa ko at napakita ko sayo ang pagmamahal ko. Kaming lahat ay naging masaya at pinahiram ka sa amin at ikaw ang nging ang naging asawa ni lola, Tatay ng aking ama, ng aking mga tito, at ang aming lolo. Napakaswerte namin sayo lolo. Salamat sa mga magagandang alaala na iniwan mo sa amin. Ang bawat tawanan na ating pinagsamahan. Salamat at magkita tayong lahat sa kabilang buhay. Mahal na mahal ka namin. Paalam na Lolo Milio.
EMILIO JARIN LACSON
Born: May 28, 1918
Died: May 16, 2009







0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.