Bring it on!

Entries tagged as ‘patricio galvez’

“Walis Tingting”

August 11, 2008 · Leave a Comment

hay..bakit nga ba walis tingting? hahaha.. kasi po.. Kahapon, noon lang ulit ako nakahawak ng walis tingting pagkatapos mamatay ng Nanay at Tatay ko noong 2002.So ilang taon din akong di naglilinis di ba? hahahaha!  Nasa mga lola ko kasi kame kahapon, di ba linggo siempre family gathering ganun naman talaga ang kinalakihan ng mga pilipino di ba. Tapos ng bandang hapon.. lumabas ako sa likuran ng bahay ng lola ko.  Isang malawak na halamanan ang meron doon. May makikita kang iba’t ibang klase ng puno tulad ng kalamias, sinta papaya, sili, atis, bayabas, mangga, duhat, aloe vera, rosemary, mint tree, bonggavilla, aurora, sampaguita, dragon fruit,  my mickey mouse tree p nga na galing sa bakuran ng CCP..at madami pang iba.. tapos my nakita akong isang parte ng likuran na my madaming bagsak na dahon. Mga bagong bagsak at tiyong dahon na.. eh di ako mapakali sa totoo lang. Kaya tinawag ko ang nakababata kong pinsan na si miggs para iabot skin ang walis tingting at ang pandakot. Tska ako nagsimula magwalis. At dun ko lang naisip na kay tagal na din ng huling  beses akong nagwalis ng bakuran. Marahil dahil noong bata ako katuwang ko ang Nanay Pi ko sa pagwawalis kada hapon. Pero ng siya ay nawala na bigla din naglaho ang mga gawain namin noon. Hinahanap hanap ko tuloy ang lola ko ngyn. Siya kasi ang nagpalaki sakin. Ika nga ng mama ko “spoiled bratt” daw ako. Kasi bigay lahat sakin ng lola at lolo ko. Tapos kahapon, sinariwa ko ang mga alaala namin noong bata pako. Ultimo amoy ng siga (dahong sinisigaan) kahapon ko lang ulit naamoy. Kakaiba noh, pro masarap sa bahay ng lola ko kasi madaming puno. My puno pa nga ng kawayan e. Kaya iba ang simoy ng hangin. Napakalinis at napakalamig sa pakiramdam. Sana nga pag mapagbibigyan ako ng pagkakataon gusto ko pag ako nagkabahay ganun din tulad sa lola ko. Presko, Maliwanag. Pero ng ako ay natapos na sa pag dadakot ng dahon at pagsisiga… natawa ako kasi nanigas ang mga kamay ko.. hahahaha.. di na pala ako sanay magwalis ng gnung katagal. Pero naglilinis ako ng kwarto ha. kaya lang sa liit ng kwarto ko mabilis ko lang iyon nalilinis. Yun ang kwento ng walis tingting.

Categories: Uncategorized
Tagged: , , , , , ,